Saturday, September 8, 2007

LITANYA NG AKING PAGHAHANAP/ LITANY OF MY SEARCH



LITANYA NG PAGHAHANAP
(Para sa mga magulang nina Jonas, Karen at Sherlyn at sa mga pamilya nina Luisa at Nilo ng Panay)

Hinahanap ko
Siyang nawawala.

Pinagtatagpi ang mga ebidensiya,
Pinagdudugtong ang mga salaysay,
Idinudulog sa hukuman.

Hinahanap ko
Siyang nawawala.

Iwinawaksi ang masamang panaginip:
Ang maliit, madilim na silid,
Ang pagpapahirap at panaghoy
Ang karsel na walang pangalan at lunan.

Hinahanap ko
siyang nawawala.

Kahit di malaman ang simula’t
Hantungan ng paglalayag.
Makipagtawaran kaya sa kapalaran?
Ibalik niyo ang bugbog, laspag na katawan,
Mapaghihilom ang bawat sugat.
Isauli niyo ang baliw ang isipan
Mapanunumbalik ang katinuan.
Ibigay niyo sa akin ang pira-pirasong buto,
Ang gula-gulanit na laman,
At kahit pa, kahit pa,
ang bangkay na di na makilala.

At tatanggapin ng aking puso,
Siyang nawawala
Siyang hinahanap
Siyang minamahal.

Ngunit huwag,
Huwag akalaing ako’y nakikiusap,
Nagmamakaawa, o naninikluhod.
Ang dapat isakdal
Ay silang sa kanya’y dumukot,
Silang nilalaro ang batas sa kanilang palad,
Silang utak ng pandarahas.

Hinahanap ko
Siyang nawawala
At siyang nawawala
Ay naghahanap ng katarungan.

Katarungan!


Joi Barrios-Leblanc, Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)

------------


From the Original Poem in Filipino – “Litanya ng Paghahanap” by Joi Barrios-Leblanc of Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)

LITANY OF MY SEARCH
(For the parents of Jonas, Karen and Sherilyn and the families of Luisa and Nilo of Panay)
English Translation by Ninotchka Rosca, GABNET


I seek out
The vanished.

Piecing together eyewitness tales,
Assembling evidence,
And take my case
To the courts of justice.

I seek out
The disappeared.

Sidestepping nightmares,
Dark, damp rooms of torture
And moans,
Prisons of no name, no address.

I search
For the missing.

Not knowing where the journey starts
Nor where it will end.
The heart haggles with fate:
Hand me the battered body,
Wounds can be healed;
Return the disturbed mind,
Sanity can be restored;
Tender me the broken bones,
The ripped-off flesh,
Even the unrecognizable corpse,

And the heart will welcome
What it has sought,
The disappeared,
The beloved.

Yet do not misconstrue even for a moment
That I ask, or beg for mercy.
Take the abductors to trial,
Those who mock the law,
Masterminds of violence.

I seek the missing,
As the missing seeks justice.

Justice!

The photo is from Arkibong Bayan.