Saturday, February 14, 2009

On Red-baiting in the academe



SA AKADEMYA
(Para kay Sarah Raymundo, red-baiting survivor)

Nagmumulto si Senador McCarthy.
Gumagala-gala ang kanyang espiritu
sa mga pasilyo ng akademya.

Nalalanghap ng lahat
ang masangsang na bulaklak
ng tsampaka,
Naririnig ang kalansing
ng tanikalang nagbibigay babala:
Manginig, manginig!
Damhin ang malamig
na simoy ng hangin
na bumubulong-bulong
ng pangamba sa diwa
ng mga guro.

Nagmumulto si Senador McCarthy
at nagwiwika:
May pulahan sa ating pagitan!
Ang pula ay kulay na mapanganib!
Naghahasik ito ng punla,
naghihikayat ng pagkilos at paglaban,
Nagbabandila ng katwiran.

Mga kapatid sa akademya,
ang natatakot sa pula,
ay taong kaawa-awa,
pagkat walang sariling pag-iisip,
pagkat sakmal ng multo ang dibdib.

Hayaan na nating malibing sa kanyang hukay
si Senador McCarthy.
Ating angkinin ang kulay na pula
bilang kulay ng duguang rosas
na mahalimuyak,
kulay ng kasiyahan at galak,
kulay ng pusong matapang,
at pusong matatag.

Joi Barrios, CONTEND

Friday, January 16, 2009

Flores del Agua




FLORES DEL AGUA
Flores del Agua. Water Lilies.
Bulaklak ng tubig.
Minsa'y kulay puti, minsa'y kulay rosas.
Nabubuhay ang water lily
sa gitna ng munting lawa
na hindi tumitinag.

Bumubukadkad ito tuwing umaga,
at sa magdamag ay itinitiklop
na waring nagpapahinga,
ang kanyang mga talulot.

Ang flores del agua
Ay hindi natin pinipitas.
Hindi ninanasang masamyo ang halimuyak.
Hinahayaan natin itong lumutang-lutang
nang payapa,
sa ilog na tahimik o sa tubigan.

Sinta, hindi ako kailanman
magiging iyong-iyo.
At hindi ka kailanman
magiging aking-akin.
Ngunit ang pagmamahal
ay wala sa pag-angkin.
At tulad ng bulaklak ng tubig
na kahit mula sa lusak
ay umaahon upang makita, madama, ang rikit
hindi man hinahawakan sa mga palad,
batid kong may dapat ipagpasalamat
sa pagliyag,
itinaya man natin
ang lahat,
ang lahat-lahat.

Joi Barrios





WATER LILY
Flores del agua. Water Lily.
Bulaklak ng tubig.
Pink and white,
the many-petalled water lily
thrives in lakes or ponds,
Still waters.

It blooms in the morning,
but closes its petals at night,
as if to rest.

These are flowers uncut.
We do not make bouquets of them,
nor buy them to adorn our homes.
We leave them be,
floating peacefully,
in quiet waters.

My love, I can never be completely yours,
Nor you completely mine.
But to love is not to own.
The water lily
rises above muck and silt,
so that we may know its beauty
without holding it in our hands.
We have risked all
for this brief moment of passion
without regret,
dare we say,
without regret.

Tuesday, January 13, 2009

Babang-Luksa

Note: I was asked to contribute a poem by the May 18 Memorial Foundation of Korea for the 30th anniversary of the May 18 Gwang-ju Democratic Uprising. This poem will be published in their journal.

BABANG-LUKSA
by Joi Barrios

(For the student victims of the Gwang-ju massacre,
and Filipino activist youth slain during Martial Law and the Arroyo government)


Babang-luksa.
Sa aking bayan,
isang buong taon
na nagsusuot ng itim ang naulila,
tanda ng pagluluksa.

Babang-luksa.
Ito ang araw na dapat iligpit
ang kulay ng hinagpis,
ang araw na dapat
humakbang sa bukas.

Ngunit paano nagbababang-luksa
ang isang buong bayan?
Paanong malilimot ang pinaslang ng dahas,
pinaslang nilang sakim sa kapangyarihan,
pinaslang nilang nangamba sa lakas
ng nag-aalsang taumbayan?

Hanggang kailan ipagluluksa
ang ating mga bunso
na nabuwal sa gitna ng pakikibaka?
Hanggang kailan ipanghihinayang
na sana'y sa puso na lamang natin tumarak
ang mga sibat,
ang mga punglo,
at nang lumagi pa sila sa mundo?
Ano ang taning ng luksa at lungkot
sa pinigtas na buhay ng musmos?

Inyong itinatanong:
Bakit nga ba patuloy na nagluluksa?
Ang pagmamahal natin sa kanila
ay waring tali
na mahigpit na nakabigkis
sa ating mga pusod,
dakilang alaalang mananahan
sa ating mga sinapupunan.
Lahat tayo'y kanilang mga ina,
kanilang mga magulang sa pakikibaka.
At ating isinusumpa,
ang araw ng katarungan lamang,
ang araw ng babang-luksa.




BABANG-LUKSA
by Joi Barrios

(For the student victims of the Gwang-ju massacre,
and Filipino activist youth slain during Martial Law and the Arroyo government)

Babang-luksa.
In my country,
we wear black for a year
to mourn a loved one.

"Babang-luksa" is the day we put away
the color of grief,
the day we have to move on.

Yet how does a nation stop mourning?
How do we forget those
slain by violence,
slain by those hungry for power,
slain by those who feared the strength
of a people in revolt?

How long shall we mourn
our youngest children of the struggle?
How long shall we regret
that it was not our hearts
pierced by bayonets and bullets?
When does the grieving,
the gnawing emptiness end
for plucked lives of the youth?

You ask: Why do we continue to mourn?
The love we have for them
is an umbilical cord that ties them forever to us,
the greatness of their memory
living in our wombs,
as we become their mothers, their parents
in the struggle.
And we pledge,
it is only the day of justice, of "hustisya,"
that is the day of our "babang-luksa."

Author's Notes: From 1994-1996, I lived in Taejon Korea. I was there for my certificate course in Korean Studies from Ham Nam University.