Showing posts with label love poems. Show all posts
Showing posts with label love poems. Show all posts

Friday, January 16, 2009

Flores del Agua




FLORES DEL AGUA
Flores del Agua. Water Lilies.
Bulaklak ng tubig.
Minsa'y kulay puti, minsa'y kulay rosas.
Nabubuhay ang water lily
sa gitna ng munting lawa
na hindi tumitinag.

Bumubukadkad ito tuwing umaga,
at sa magdamag ay itinitiklop
na waring nagpapahinga,
ang kanyang mga talulot.

Ang flores del agua
Ay hindi natin pinipitas.
Hindi ninanasang masamyo ang halimuyak.
Hinahayaan natin itong lumutang-lutang
nang payapa,
sa ilog na tahimik o sa tubigan.

Sinta, hindi ako kailanman
magiging iyong-iyo.
At hindi ka kailanman
magiging aking-akin.
Ngunit ang pagmamahal
ay wala sa pag-angkin.
At tulad ng bulaklak ng tubig
na kahit mula sa lusak
ay umaahon upang makita, madama, ang rikit
hindi man hinahawakan sa mga palad,
batid kong may dapat ipagpasalamat
sa pagliyag,
itinaya man natin
ang lahat,
ang lahat-lahat.

Joi Barrios





WATER LILY
Flores del agua. Water Lily.
Bulaklak ng tubig.
Pink and white,
the many-petalled water lily
thrives in lakes or ponds,
Still waters.

It blooms in the morning,
but closes its petals at night,
as if to rest.

These are flowers uncut.
We do not make bouquets of them,
nor buy them to adorn our homes.
We leave them be,
floating peacefully,
in quiet waters.

My love, I can never be completely yours,
Nor you completely mine.
But to love is not to own.
The water lily
rises above muck and silt,
so that we may know its beauty
without holding it in our hands.
We have risked all
for this brief moment of passion
without regret,
dare we say,
without regret.

Sunday, January 14, 2007

SORPRESA


I have been posting political poems. Here is a love poem I wrote two years ago. joi

SORPRESA


Nagmamang-maangan ako
tuwing aking kaarawan.

Nahuhulaan ko ang birthday cake,
Putaheng masarap
At lobong lumilipad-lipad
Ngunit nagpapanggap
Na walang nalalaman.
Pagbukas ng pintuan,
Tiyak ko nang sa pagbungad
Ay may sigaw ng pagbati,
Ngunit umaakma pa ring gulat
Samantalang abot tenga ang ngiti,
At masayang nagpapasalamat.

Ganito rin ang pagsinta.
Parang sorpresa.
Kapwa kaya na naghihintay,
Nag-aabang ng pagtatapat?
Pigilan pa ang damdaming umaalpas.
Huwag tusukin agad
Ang lobo ng pangarap.


Joi Barrios
Ika-15 ng Marso 2005

Monday, January 8, 2007

Wedding poem


PAGLAMPAS SA GUHIT NA BILOG
(Para kay Pierre, sa araw ng ating kasal)

Kala-kalahati, pira-piraso
Ako kung umibig.
Isang paa sa loob,
Isang paa sa labas,
Ng guhit na bilog.

Ipinaglaban ko ang mga pagsintang
Walang katuparan.
Ikinataba ng puso
Ang mga laro ng laman
Ng laging laro lamang.
At nabuhay akong pira-piraso,
Kala-kalahati
Ang pagtingin sa pagtangi.

At ika’y dumating.
At ika’y dumating.
At inibig ako nang buong-buo,
Lampas-langit,
Ano’t labis labis?

Paanong naibabalik
ang dalisay na pag-ibig?
Anong itutumbas,
Habang nangangambang
Baka iyong masilip
Na puso ko’y may pilat?

Ikaw ang huli,
Ang tunay kong pag-irog.
Walang labas, walang loob,
Walang guhit na bilog,
Buong-buo,
Ako’y iyo,
Isang pag-ibig na walang sulok,
Walang hanggan sa pagbulusok.







BEYOND CIRCLES
(For Pierre)

I was used
To piece-meal loves,
One foot in,
One foot out
The circle of choice.

I fought for tragic passions,
And plumped my heart
With games of the flesh.
And thus I lived a piece-meal life,
Thinking love was such.

And you came.
Loving all of me,
And I ask,
How could one be loved so much?

How does one return
A love so pure?
How can I match
Such affection,
While fearing you might catch
a glimpse of my battle-scarred heart?

You are the last, now the only,
Love of my life.
There are no lines,
no circles,
because i am yours,
in a love that has no corners,
no bounds.

Joi Barrios
4 December 2005