Wednesday, January 10, 2007
LIHAM SA MGA MAG-AARAL NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
LIHAM SA MGA MAG-AARAL NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Ni Joi Barrios-Leblanc
Congress of Teachers for Nationalism and Democracy (CONTEND)∗
Hubo’t hubad,
Nakadipa’t nakatingala sa langit
Ang estatwa sa harap ng Quezon Hall.
Iskolar ng bayan
Na nag-aalay ng buhay
Para sa bayan.
Ngunit kung ang iskolar
Ay di na iskolar,
Kung ang pag-aaral
Ay di na abot-kamay
Ng walang yaman,
Ang estatwa’y bakit hindi damitan,
At telang itim ay ibalabal?
Tumutol at magluksa!
Anong kahihiyan ng bayang
Di kumakalinga sa kanyang kabataan!
Pagkat may pangako na binigo,
Batayang prinsipyong naglaho.
Na ang bawat mag-aaral
Sa pinagpipitagang pamantasan
Ay iskolar ng kanyang bayan.
Dapat sana’y, sa simula’t dulo,
Buong-buo,
Iskolar ng kanyang bayan.
No comments:
Post a Comment