Monday, January 8, 2007
Wedding poem
PAGLAMPAS SA GUHIT NA BILOG
(Para kay Pierre, sa araw ng ating kasal)
Kala-kalahati, pira-piraso
Ako kung umibig.
Isang paa sa loob,
Isang paa sa labas,
Ng guhit na bilog.
Ipinaglaban ko ang mga pagsintang
Walang katuparan.
Ikinataba ng puso
Ang mga laro ng laman
Ng laging laro lamang.
At nabuhay akong pira-piraso,
Kala-kalahati
Ang pagtingin sa pagtangi.
At ika’y dumating.
At ika’y dumating.
At inibig ako nang buong-buo,
Lampas-langit,
Ano’t labis labis?
Paanong naibabalik
ang dalisay na pag-ibig?
Anong itutumbas,
Habang nangangambang
Baka iyong masilip
Na puso ko’y may pilat?
Ikaw ang huli,
Ang tunay kong pag-irog.
Walang labas, walang loob,
Walang guhit na bilog,
Buong-buo,
Ako’y iyo,
Isang pag-ibig na walang sulok,
Walang hanggan sa pagbulusok.
BEYOND CIRCLES
(For Pierre)
I was used
To piece-meal loves,
One foot in,
One foot out
The circle of choice.
I fought for tragic passions,
And plumped my heart
With games of the flesh.
And thus I lived a piece-meal life,
Thinking love was such.
And you came.
Loving all of me,
And I ask,
How could one be loved so much?
How does one return
A love so pure?
How can I match
Such affection,
While fearing you might catch
a glimpse of my battle-scarred heart?
You are the last, now the only,
Love of my life.
There are no lines,
no circles,
because i am yours,
in a love that has no corners,
no bounds.
Joi Barrios
4 December 2005
1 comment:
ms barrios, salamat din po as pag-comment sa livejournal namin, ung kntbk po. ^_^
i admit that i'm not really into literature but i liked the poems you post here. matagal ko na pong narinig ung pangalan ninyo sa school pero first time ko pong makabasa ng gawa ninyo sa diliman review, un nga pong paglampas sa guhit na bilog. looking forward to reading some of your other works, lalo na po dito sa blog nyo.
well, un lang po. salamat po ulit. ^_^
p.s. and happy centennial na rin po. nanood po ba kayo nung opening ng centennial celebration? wala lang. ang ganda po. masaya. ^_^
abrilrosas (april rose po talaga pangalan ko)
Post a Comment